I will make kwento. But its copy paste na lang. So tamad to type na eh. So arte pa ha.
"Medyo lasing pa ko sa Eraserheads Concert. Magkakahalong feelings ang naramdaman ko. Una, tuwa dahil sa VIP passes. Salamat kay Mr. Marcus Adoro sa listahang itim. Saya ulit dahil okay yung pwesto namin. Pwede mong kalabitin yung mga bandang nasa kabila lang. Pero nabwisit ako sa buhok ng babaeng nasa harapan ko! Ang lakas ng amoy ng buhok nya! Yung gamot nakakahilo! Mukhang kakaparebond lang ni ate bago manuod ng concert. Buset talaga.
Nung nag-umpisa ang countdown, ang saya ng trip. Pag dadating yung 10, super count na mga tao hanggang zero tas magsisigawan. LOL. At dumating na nga ang 0:00! Haha. Alapaap. Ang galeng sabi ko na nga ba yun ang pers song eh! Andun na yung energy. Party people. Basta mga more than 10 songs at biglang may break para sa second set. May countdown ulit. 20 minutes recess. Pero lagpas na yung time ay wala pang bandang bumalik sa stage.
Maya-maya, ayun na pala. Sila Raimund, Buddy and Marcus na lang ang bumalik kasama sister ni Ely. Dinala na pala sa hospital si Ely. Naasar ako nung una kasi nawala yung thrill, pero biglang naisip ko na kawawa naman siya, di kinaya. Sana maging okay na. Sayang lang di pa natapos! As in super bitin, pero we have to understand why.
Pero masaya talaga. Ever. Sana gumaling na si Ely. Para may repeat ang concert. :)"
---from my Multiply blog. Rawr. Haha.
It was the bestest concert for me. Dahil di naman ako nagagawi sa mga concert masyado, puro gigs lang. Sana gumaling na nang tuluyan si Ely. Sana totoo ang sabi ni Raimund na mauulit. Sana. Sana MAMA! Ang saya pa rin. Basta masaya e! Kaiyak konti! Okay fave pics time! LOL!

Greeeeen Tag. Thanks Marcus!

Kami. Haha. Di kasali si Bakla sa pic. Bleh!

Fave ko yan! Kuha lang ng camfone ko. Happy new year!

Hanggang sa dulo ng mundoooooooo
Okay. End post. Di ko ito malilimutan.
Pero muntik ko na malimutan. Dapat pala matapos ko na ang StratMark plan ko within this week dahil sa Monday na defense ko! BAKA ako ang madala sa hospital pag bumagsak ako dun. NO WAY HIGHWAY!
Baboo. September na pala! Rawr.


