Sunday, April 15

Good

Mas comfortable ako magkwento dito. Kesa sa multiply. Ewan ko kung bakit. Dahil dyan, nakwento ko na naman yung ungas na nagtetext sakin nung nakaraang mga araw. Sobrang badtrip ko dun. Mga piling tao yung sinabihan ko tungkol dun dahil medyo sensitive na issue. Pero walang katotohanan yun. Naninira lang ang gagong yun. May tiwala naman ako sa mga tao except dun sa di ko kilala.

Hs friends. Buhay sila. Tumambay kami sa ilalim ng puno ng manggang hindi namumunga. Kasama Jayson, Irah, Donna and TJ. Kasama rin Jane and Irene. May gulat factor. Masaya naman ang kwentuhan. Nakakamiss ang mga tawa. Ang ingay. Ang lahat. Drama.

Nameet ko na ang new dentist. Mukha naman syang mabait. Sana maging maayos naman yung relationship namin like the other dentist. Sana matapos na ang torture na ortho. Yeah. Ansakit pa rin.

Mega pagtapos ng dentist. Kita na naman ang mga pinsan. May kanya kanyang drama rin ang mga bata, may iyakan sila. Gusto nila magbakasyon dito sa bahay. Well, let's see kung matutuloy. Sana maraming pics yan pero tinamad talaga ko kaya eto lang.



Nakakamiss ang mga exsena. Ewan ko ba kung bakit. Kung napaghandaan ko lang ang mga ito dapat sana mas masaya ko, mas mataas na kasiyahan pa kesa dito. Basta. Sa susunod, alam ko na. Wala pa rin akong summer job. O wala talaga kong makita dahil hindi ako naghahanap. O hindi ko pa talaga oras para magtrabaho dahil di ako prepared. Gusto ko ng summer job para sa sarili kong naiinis. Pero masaya ko for next sem dahil nalaman ko mag-aaral pa ko, tuloy pa rin kahit may bagsak. Aayusin ko na to. Para mas masaya. Boring pa rin ang summer. Gusto ko ng outing. Sabi nila Che, Puerto Galera, sana makasama ko dun. Tangna ni Ferdie andun na sya. Pero mas masaya sana kung Bora. Di ba. Alam mo yun.
Sobrang hilo ko kanina. Hindi sakit ng ulo e, literal na hilo naramdaman ko. Ininuman ko ng gamot kaya okay na. At napakawalang kwenta ng mga kwento ko. Nawawalan ng excitement. Bakit ganun.

Tuesday, April 10

Pinch

Nag-umpisa ang araw ko, okay naman ang lahat. Lungkot umuwi na si Lola & Mik. Pero babalik daw sila. Naiwan si Gab kaya medyo magulo pa rin ang bahay na to. Wala pa rin masyadong magawa. Si Lav nga pala, yung pinakamamahal kong kaibigang multo, nabuhay sya. Napangiti ako nang magtext sya sakin, dahil akala ko nabaon na sa limot at lumot ang babaeng yun, pero buhay pa sya! Yehey na rin. Ang sarap ng feeling pag buhay yung mga kaibigan mo, yung nararamdaman mo sila.

RX. Nagigil ako sa print screen, e kase wala naman e nakaupo lang naman ako dito kaya yun. Nakakatuwang pakinggan yung mga eksena nila dun. Ty din sa webcam. Ayos. Ang saya manuod, pero maganda kung super live yung andun ako sana. Weh kaseee. Basta. Comedy yung mga sinasabi nila. Mukhang may energy sila sa buhay. Sana ako rin.

Pengeng trabaho. Nakita ko yan ang stat ni Yem. Una nacomedy ako. Pero pag nilaliman mo yung pang-unawa, hindi na comedy, reality na. kelangang kumilos na dahil nauubos na yung sand sa sand timer. Hahaha. Basta. Bago pa mahuli ang lahat. Bago pa pumuti ang uwak.
**Kung may advice kayo or offer sa mga gaya naming nawawala sa linya, pakisabi lang agad. Kung makakatulong kayo. Thanks!**
Ang sarap ng hopia, at ng chocolate. Salamat Lola. Tsaka gusto ko ng maraming tubig!! Gusto ko malunod.
Ayon. Sana makatulog na ko. Bigla akong nainis.

Monday, April 9

Bitter

Happy Easter. But I’m not happy. Ewan. Wala lang. Wala na naman. Boring summer pa rin. Di ko magawa yung gusto ko. Dito lang talaga. Stay. Stay where you are. Mas gusto ko pag may pasok. Nagagawa ang mga gusto. Wow. Yehes. Bata! P*ta. Basta. Unti-unti akong mababaliw sa bahay na to pag di ko nasolusyunan kung san ba dapat ako lumugar. Dahil ramdam kong nawawala ako. Yun bang di mo pa alam kung anong dapat mong gawin sa buhay dahil wala kang magawa. Pero hindi ako nagsasawang mabuhay. Basta ayun nga.

Magkukwento ako. Wala kang pake. Bitter ako ngayon eh.

Black Sat. di ba nagsimba ko. Grabe. Yun na yata yung pinakamahabang misa na nasaksihan ko. From 7-1030pm yata yun. Grabehan. Pero hindi ako sumuko, para naman kay God, kahit konting oras makabawi. Pero tunay na gutom at pagod pag-uwi.

NagoL ako. May maingay. Tae. Pero okay lang masaya naman. Tulog ng umaga. Tapos gising. Tapos kakain tapos matutulog ulit. Repeat til fade. O hanggang magsawa ka sa kakaulit. Sinasayang ko ang oras ng napakagandang buhay na to!

Nabuburo na talaga ko! Yun lang yun kaya andaming lumalason sa isip ko! Gusto kong kumawala. Gusto kong umalis. Gusto kong mapag-isa, pero masaya pag andyan sila. Gusto ko malimutan ang lahat ng pangeeet sa mundo! Basta yun ang gusto ko. Kung di mo gets ang sinasabi ko, bahala ka iclose mo na ang box na to. Kung gets mo, thank you for bearing with me. Ewan. Nalulungkot ako kaya inaaway ko na mga tao dito. Mag-oopen ng napakawalang kwentang topic. Lalayasan ko lang kayo! Naiinis ako!
Para sa masamang espiritu na to, lumayas ka sa katawan ko! Yay talaga!
p.s TOPAK na layout muna.

Saturday, April 7

Felt

Hell. Mood swing naman dinalaw ako. F*cksh*t. Tataob ang barko! Mag-eemo nga ako. Sabi nila emo sucks, sakin, EMO stinks.

Anu ba. Nalulungkot na naman ako sa buhay. Hindi ko na to dapat nararamdaman! Nagpromise na ko! Na iaappreciate ko na bawat oras sa buhay ko, may kwenta man o wala! Pero hell talaga pag naalala ko mga ilang eksena sa buhay. Maraming dapat baguhin. Kelan ba ko magsisimula.

Tulog ulit ang karamihang oras ko ngayon. Sumasakit na nga yung ulo ko pag bumabangon ako. anemic daw ako. Sisihin pa yung puyat. At maaga raw akong mamamatay? Weh. Di ako naniniwala. Napanuod ko yung Magnifico kanina, yung mabait na bata, namatay sya at kinuha ng Diyos dahil mabait sya. Well, ayoko muna magpakabait ng todo. Ayoko pa.

This line from the Boston is whatevurrr.
You don't know me, you don't even care,

Tama nga. Hindi mo naman ako kilala. Walang dahilan. You don’t really care. Who really cares? Wala.

Magsisimba na ako tonight with my family. Yung napanuod ko na naman kagabi, sabi, Leave everything to the Lord. Iwelcome mo sya sa puso mo. Wow naman. Naapektuhan ako masyado ng mga palabas sa tv pag Holy week. Ganun talaga. Minsan dapat wag magpanggap na naapektuhan.

Basta. I’m going to churrrrch.

You don't know me, you don't even care,
Umuulit to sa utak ko.

Black

Early morning na naman at oras na para matulog. Katapos lang nun. Ang ingay nya. Mga ilang beses din akong nakipaglaban sa kapalaran dahil naddc ako! Syet yun! Namiss ko yung ibang sinasabi at type nya buti nababalik ako! Pero ang saya na rin kahit childish na naman ako. Oh yeah. Don't forget the names!

Its Black Saturday.
Naglinis lang kami ng house, nanuod ng tv at higit sa lahat natulog. Yung prayers, kanya kanya na yun. Nilipat tong computer sa room ni Mother. Rarrrrr. May time limit na raw ang paggamit ko dahil dito ko inuumaga. Pero syempre hindi naman ako papayag nun. Hahaha. So, tulog na ko. Tapusin na ang lokohan na to!
p.s TAE ka Rhozie. Nakita nya si Papa Jomal (Kamikazee, not 6cm!) Hahaha. Someday, makikita ko rin sya. Bleh!

Friday, April 6

Sleep

Oh well. Still at home. Wala lang. Nagising ako ng 11am, gawa ng nakaraang di talaga ko makatulog. Ate lunch, ang sarap fish at tahong. Go for seafoods Holy Week kase. Hulaan nyo na lang kung sino yung may ulam ng crab, shrimp at sapsap! Hahaha.
At pagkatapos maglunch, naglinis ako ng konti at natulog ulit. Parang may magnet talaga ang kama. Ang sarap ng feeling. Feel na feel ko naman matulog. Pero ngayon gising ako. Kanina ko naramdaman yung tunay na meaning ng tulog, na ako na yung sumuko dahil maga na mata ko at masakit na likod ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko, Andrew and Bianca’s back in the house! Nakapagswimming na raw kase sila. Ang saya nila kasama pa si Mik and Gab. And with the special participation of my Lola. Yehes. Sana hindi sila mag-away ni Lolo dito kundi, patay na. Ang daming characters dito sa bahay no.

Ayan Good Friday ngayon. Maraming nagsasabi parang hindi raw Holy Week ngayon. Sa mga nakikita ko sa paligid, parang hindi nga. Ampaplasatik ng mga tao. Hindi ako nagmamalinis, okay! Napapansin ko lang. Vacation galore ang mga exsena. Imbes magsisi sa mga kasalanan at magpray and go to church etc. Wow, gumaganto ko. Oo naman no! Basta, nasa puso naman ng tao yun e! At yung akin din. Nasa puso ko yun kung may kwenta ba kong tao o wala. Hindi ko kelangan ipakita sa ibang tao. Samin na lang dalawa yun ni ano. Chuchu. Basta, sacrifice, at may time din na magbubunga ang paghihirap! Okay!

I’m downloading songs. Wala lang. Peste pa. War kami ng kapatid ko pucha nasira ipod ko. Sana maayos na kundi, sya ang masisira ng tuluyan.
p.s. Bakit ganito ang blog na to walang option for comments??? Weh. Epal. Nabura ba yung option?! Rarr. BUT, pwede naman gamitin ang chat box. Hahaha. Paramdam yung mga visitors. Kung meron man.

Thursday, April 5

Supposed to be Holy

Watsup today. 3am na pero gising pa rin ako. Maundy Thursday na pala. Malapit na magluksa. Mararamdaman ko ang Holy Week. Pero wala yung matinding antok ko ngayon ah. Katapos lang ng confe and it was fun. Pero epal. Thrice yata ako nadc. Thanks sa mga nangimbyt. Ang saya ng confe. More kanta sya, at syempre nakakapagod yun. Syet. Feeling ko napakaisip bata ko na talaga minsan. Basta ang labooo ng ganung feeling. 18 ako. 18. Ipasok sa isipan!

Natulog ako buong araw. Ang sarap matulog. Nang biglang ginising ako ni Inah, dahil may unexpected visitors pala ko. Jayson and Donna in the house! Hahaha. Syet miss ko na tong mga taeng to! Napilitan akong bumangon para sa kanila. Minsan lang naman ang ganung moment. Foodtrip kami sa labas. Masaya. Sana buhay pa yung ibang friends namin. Hahaha.

First time din palang naligo ni Jigger (naintroduce ko na sya sa past blog) at mukha namang masaya sya at fresh na sya. Pero syet ang kulit nya kinakagat bawat makita nya. Yung ngipin daw kase, but its okay pretty beybeh! Cuuuute. Haha. Wala rin ang ina ko dito sa bahay, nasa Taguig sya with the 2 kids, ayoko sumama dun! Kahit na!

Dahil nga puyat ako, may mga ilang bagay akong nais i-share tungkol sa puyat. Mga nalaman ko etc. **Parang totoo based on expi na rin**

**Headache, or known as sakit ng ulo!
**Pimples, and dry skin!
**Pupurol daw utak mo
**Magkakasakit ka
**Pwede kang mabaliw

Parang walang magandang epekto yung pagpuyat di ba? At wala naman talaga pero patuloy ko pa ring ginagawa kase buhay pa ko. Wala lang. Sabi nga dun sa nabasa ko, by 10pm dapat nasa bed ka na, kung WALA namang dahilan para magpuyat.


Pero eto na to.

Ako to.

Sya yun.

Eto na yun!

Matutulog na rin ako!

Wednesday, April 4

P.W.P.P


Hey, I love Pete Wentz. Sh*t oh. Ewan basta I’ll add him sa list ng mga bet. Hahaha. Gumaganon. Basta. There’s something in his, eyeliner, maybe. Hehe. Loooove. If he’s in the Philippines, maybe I can follow him and his band around. If only! I'd like to meet and greet Pete in the future. Hahaha. Peterpan. Cool. Petah. Cooler. Yeah P is soo cool. Hehehe.
I’m sleepy. But something’s pulling me, telling me not to sleep. Or was it just an irreg sleeping hours syndrome. Hahaha. My own sickness. Headache, because you can’t get someone off your head, and because you can’t get him/her off your head, you can’t sleep and that means a terrible headache. You know I want to be a doctor. But that’s way back when I was a kid, and when asked, “Anong gusto mo paglaki mo?” Eto sagot, “Gusto ko maging doctor para makatulong sa mga maysakit.” Oh cmon. Bata nga ako nun ah. But now, BOOM. We can’t get back what’s lost and what’s done! This is not a movie in a dvd. It’s reality, beybeh, and it freakin’ bites me.

Tuesday, April 3

Soo Diligent

Nasa bahay pa rin ako. Hahahaha. Pinipilit maging masaya. Hahaha ulit. Wala lang. Dito lang, nagpupuyat, etc. Yun lang. May Mayrics gig DAW sila mamaya? Kahit holy week? Doubt ako kung meron talaga. Eh kahit naman meron hindi ako pupunta dahil hindi ako handa. Tiis muna, beybeh. Mga hudyo talaga ang may gig ngayong holy week yun lang ang masasabi ko! Kaboom!Hanggang ngayon tae pa rin dito. Yung puso ko hindi pa rin makarecover sa mga nagdaang pagkahulog. Anu ba yan. Kanina nagtext si Che, sabi nya nasaraduhan daw sila ng slot, so BAKA hindi na sila magsummer classes. Sa kabila ng isip ko, YEHES! May kasama ko next sem. But damn. May possibility rin na makakuha pa rin sila ng slot, kung ganun man e masaya pa rin ako para sa kanila. GOODLUCK. Sa inyo at sa akin. Ayun.

Dahil sa pag-iisip na naman, naalala ko ang almost 10 or 12 years na pag-aaral ko. Tangna no? Ilang taon na ko nag-aaral. Ang saya naman. Magmula nursery anu ba yan, ngayon magthird year na ko. Ang saya. Ambilis ng panahon ayaw tumigil. Wala lang. Nakakasawa. Oh db hindi pa ko thankful na nakakapag-aral ako. pero gaya ng sabi ko, naisip ko lang!!! Naalala ko naman yung award na nakuha ko, sorry nung kinder kase matalino ko. Salutatorian yata ako. pero nung kinder yun, naluma na yata yung utak ko. Panglaban ko rin yung perfect attendance ko nung gradeschool. Hate na hate ko ang pag-absent dahil feeling ko napakasamang gawain nun, yun e nung bata pa ko. Akala ko lang pala. Hahaha. Pero pinakahindi ko malilimutan ay ang MOST DILIGENT award. Major award to ng buhay ko dahil nung GRADE ONE ako, at recognition day nun, e yan ang nakuha ko. Ang saya no. After ilang years naman nung 4th year hs grad, e nakuha ko na naman. Walang biro. May mga special awards kase, tae no? Ayaw ako tantanan ng MOST DILIGENT. Ang sarap pakinggan no? Pero parang nagkamali sa pagbigay sakin ng award. Comedy talaga. Hahaha. Pero gugustuhin kong makakuha ulet ng ganyang award. Gusto ko umakyat ng stage. Gusto ko ng palakpakan! Hahahaha. Adik na ko. Nausog yung pinapangarap kong REGULAR college life e. Yung normal flow ng buhay, yung maayos, basta yung walang problema. Ayokong isipin na sira na buhay ko. Dahil marami pang pwedeng mangyari. BASTA SA SUSUNOD GUSTO KO MOST SUPER DUPER EVER DILIGENT NA KO.


red: grade one/ yellow: 4th yr


p.s.

say HELLO sa layout ko. Wala na kong mahanap e, walang swak sa pagkatao ko. Thanks blogskins para dito. Sana maging consistent na to!

Monday, April 2

A Miss Yew

Basketball. MVP ako?!

Recolletion mi amor

I somehow miss my ugly friends and blockmates. Kahit pa mga wala naman talaga silang kwenta, mga panget (wow ang ganda ko!), mga bwiset, mga badtrip! Miss ko sila. Yung tawanan and all. Yung bangayan at mga awayan kung meron man. Kahit nalagasan na yung block namen okay lang. Napakasaya. Medyo mapanganib din kasi ako sa ngayon. Hindi ko alam kung makakasama ko pa sila. O anu na bang mangyayari sa buhay ko. Whatevur na to. OKAY.



Kahit pano may memories pa rin.
Lab yu guys.

Ayoko na mag-enumerate ng mga characters. PAGOD NA.

Welcome Jigger and Maxee!

Ano naman ang nangyari ngayon sakin? Wala lang. Still in recovery phase. Dahil masakit pa rin ang nararamdaman ko sa loob ng puso ko. Basta ang sakit talaga ng maagang Easter Sunday. Nauna pa ko sa lahat eh. Pinangunahan ako. I still don’t know if I will enroll sa summer classes. Dahil wala sa budget at wala sa plano. Pag di ako nag-enroll, edi planguk. Maiiwan ako pero konti lang naman. Basta bahala na.

I saw my cousins, my tito and tita, and si Lola kanina. Miss ko na rin sila. Good thing na kahit sa konting panahon nagkakasama kami at masaya yun. Basta looove, Galing sila dito sa bahay para ihatid yung dalawang aso. Tatlo na ang aso dito sa bahay. Gano kaingay yun? Idagdag pa ang mga batang hindi naman aso, normal na bata pero basta maingay sila. Pero dapat mahalin din sila Jigger at Maxee, gaya ng looove na binigay kay Queenie. Wow. Very animalistic. Hahahaha. Badtrip naman tagalinis ng poopoo ni Jigger oh! Buena mano kanina. As of 2:22 am, napakaingay ni Jigger, gustong lumabas ng kulungan nya pero NO muna ang sagot ko dyan. Matulog ka na lang, beybeh!


Jigger-y



Ek and Ady's SWING thing. Mahal nila ang swing.



Yung isip ko iba pa rin. I mean anu ba to. Kung di ako natutulog, andito ko, kung di nakatulala, walang ginagawa. Pero napapagod ako. Nakakatawa. I want a summer job sana, pero hindi ko mahanap yung tama para saken. Pero salamat sa mga taong nakakausap ko. Kahit sandaling panahon nakakalimutan ko ang problema. Pero sandali lang. Pagtapos, balik na naman. Hindi pa naman to malala e.

Holy week. I went to church. Ang saya ng feeling after ng mass. Pero hindi talaga mapipilit na okay ang lahat e. May mali. Pero okay na yun. Hindi naman Nya ko papabayaan. Rarrrr di ba. Ang sama ko pa. Still thinking about gigs, kahit alam kong pahinga ang lahat dahil nga holy week. Hudyo ang mga may gig! Hahaha.

Medyo naiinis din pala ako. I can’t find the right layout for my blog. If you can help me, then tell me. PLEEEEASE. Di ko naapply ang mga natutunan sa html ah. Ish na to dati binabalik ko lang. Nakakahiya naman. Hahaha.
Blerg!

Sunday, April 1

April's Boom!

Happy April Fools Day! Who’s a fool. Not me. Hahaha. I had that badtrip last night. But today was a great morning and I feel good. I just needed some nice sleep siguro. I found out that the confe was okay. So there’s nothing to worry and I guess there will be another one later. I hope so. The connections not so fucked today ah? But still YM’s disconnecting. Why is this happening to me.

I’ll recap some highlights of my life. Yesss, I got a life.

My sister just graduated from highschool. I went there, and saw some friends from hs. She's my mortal enemy, but then I was there when she graduated. Hahaha. There’s Rhozie because her sis also graduated and we just felt like it was a gig for us, minus the band. Hahaha. Laughter, stories and everything we can talk about. Never forget the band we love. We called them and felt very gay. Hahaha. I can’t help myself but laugh seeing each other’s reactions. When you want your nose to bleed, just talk to Alden. If you want to hear some sort of a person being raped, talk to Kean. Oh the sounds he made. Hahaha. So here are some photos. Rarararar.

Yan ang ina ko.

Me and Rhozie graduated from.. uh. oh. =))

Here with Regine.



See the happy faces? LOL.


Hehey. I got a new crush. I don’t know why but I crush him. He seems like nothing. Hahaha. He’s Ivan Garcia from the band Hilera. He’s the bassists who loves to jump and according to his profiles in the internet ay humihinga sya at tao sya. That’s all I got from his profiles. Hahaha. Pic pic pic! I hope next time I can post a pic with him. Hihihi.



Some screen shots when they went online while they're in Iloilo. Minus Tatsi and Alden. I never saw even they're shadows. Busy-busyhan naman.



Yeah. That's all for now. Pero parang andami ko pang dapat ilagay. I'll do it again laturrr. Pag wala nang magulo.