Wednesday, January 31

hey PHAT!!

Wheeyeah. Let’s update my shitty life. So what happened today and yesterday? Hahaha

Exammm. Accounting. Ang saya ko pa maglakad papasok ng room dala nga ng expi at di pa ko nakakarecover eto na, tragedy na naman ang midterm exam ko. Durog na naman yung puso ko dahil bakit wala akong maisagot?? Nagkastiff neck na ko TANGNA TALAGA TOTOO TO wala namang nangyari bagsak yun kahit wag na checkan. Galit ako sa mga *^%&#. Napakasama ng loob ko kahit alam kong kasalanan ko yun. Basta. Ayoko na. Pag may bagsak, stop na ko. Pero ayoko naman maging out of school youth. Hahahaha. Eto na.

Confe with Kean. Leche. Anu ba to. Di ba may K factor ba agad wala pa nga ang kwento? Yung title ng post na to ay inspired by him, hahaha. Ayon nga, gulat ako invite nya ko confe kami with other Callalistas. Saya naman. Perstaym ko eh. Hihihi. Nagmic sya at kumakanta. Online concert! At may webby pa. Cmon. Ayon masaya na ko dun. Kahit nga 4am na ko natulog at exam ko 8am. Wow. Bangag? Sanay na ata ko deadma na lang. Basta pota kasi. HINDI KA CLOWN ANG KULIT BAKIT SUMASAYA AKO? Hahaha. Pasensya na. Mukha na ba kong engot?? Okay CUT Direk! Hahaha. Puro haha naman ako akala mo totoong masaya.


I’m bleeding, but you can’t see my blood. I wish it’ll stop, then someday, you’ll bleed for me, too.

Monday, January 29

cold night

Yeah! I’m alive! Haha! Okay naman ang araw na to except for the fact na nag-exam akosa Finance nang walang matinding pagrereview. Masabi lang na nagbabasa! Hay. Sana naman pasado ako dun. Kelangan ko talaga dahil midterms na. Hay. Namiss ko yung Dusit Hotel chuva ng Callalily ngayon dahil kelangan mag-aral muna raw. At gagawin ko talaga yun. Kahit may exams puro assignments pa rin! Nakakamatay dahil di ko masolve more copy na lang sa kanila. Thanks, Classmates! I love you! Haha. You’re spoiling me. Pero okay lang yun. Hehe. That’s it. Nothing much. Ordinary day. More text and soundtrip, tawa at lakad sa school, konting kilig, tv, net, linis ng bahay, sigaw sa mga kapatid na pasaway! Hay.
At ang lamig ng weather ngayon ha. Literal na malamig!! Anu ba to parang magpapasko?? Hahaha. Ang lamig ng feet ko! Haha.

*But I learned today that no matter how bad you are sa isang tao, that person will help you. Hahaha. Peace on Earth!!! Let's be kind to everyone.

“if only I can tell you how much I love you. Waaaaaaah! I miss you. Ingat sa saksak!”---pwede ba to maging banat? Ngek. Haha.

Oh yeah. Tinatawag na ko ng bed (yes, nagsasalita!) matulog na raw. Maagang tulog na to. Good nite to you and to myself 

Sunday, January 28

im beck. haha

Ever wonder why I can’t sleep early these past few months. Hayyy. Parang di na nasanay magpuyat. And what’s the benefit of not sleeping early? Shitty pimples. Stresstabs. Dry brain. Empty heart. Hayyy again.
So I’ll be starting to publish my daily activities from now on, since the internet connection seems to be lovable these days.

Let’s talk about gigs. Bagay na nagpapasaya sakin. Swear. Ambabaw nameeeen. Hahaha.
Metrobar. The UPJMA Chuva. Whoa. Masaya pag nasa harap ng stage. Nasa harap ng kumakanta, pwede sya agawan ng mic. Oh di ba ako na lang papalit sayo pag minsang pagod ka na at di mo na kaya, Okay?? We went to Baywalk after this. Wala lang. ambaho kasi kaya hindi ko naapreciate mashado. Sorry.
70’s Bistro. Si Aaron unang nakita naming pagbaba pa lang ng cab. Nice. We told the Ordertaker na kung pwede eh sa harapan kami umupo, but in a jokingly manner, aba, si Kuya may tagas, literally sa harap ng drumset yung table namin. Nice. Kulang na lang makipalo ako kay Lemuel and Tutti habang tumutugtog sila. Pero inis ako kay Lem nung gabing yun. Period.
Cowboy Grill. Oh yeah. Okay naman. We met a few “Callalistas” dun. Okay naman sila. I hope. Except for the fact na kami yung naiwan dun sa table dahil umalis na silang lahat, eh we want to dance pa kahit kami lang apat ang nasa dance floor. Nakakainis dahil nung aalis na kami hinabol kami ng isang Cowboy dun and he’s telling us to pay the bill! Syet di ba? Andaming explanation perosa huli kami rin naman magbabayad talaga. Syet lang ondaspot!!
Lush. Eto walang Kean. Walang Callalily. Birthday ni Ferdie so ginive up ko muna ang UPD gig nila. Hayyy naku. Sumpa naman ata ang gabing yun dahil sa mga kabaliwang ginawa ko?! Pero okay lang, sumaya naman ako. Who cares what other people will say when you’re happy?? Sa isip ko na lang ang mga behind the scenes nito, sa isip ng mga nakakita at nakanood.

I’m still in the state of loving these boys. Ano nga ba ang inyong taglay? Na wala sa iba? Naks. Hindi ko rin alam but I’m enjoying their performances kahit yung din naman Stars, bonus na lang pag may One of Us. Pero hindi ako nagsasawa. It just happened na ganito lang. Wala nang dapat iexplain pa. Basta masaya, GOOOOOO!!

And who’s my partner behind all of these? Honestly, I can’t go to gigs alone, but I did that twice, at nakakalungkot nga! Oh yeah, my partner is Rhozie. A highschool friend with actually the same interests and trips like mine. So glad na nagkakasundo kami kahit minsan syempre umiinit at kumukulo ang dugo ng isa’t isa. Kaya natin to, Bakla! Ü

The 2nd sem hell. Yehey. Midterm na bukas! Exam sa Finance kung san failed ang Prelim ko. I’m serious about getting high grades this term and I hope it will be possible sa napakagandang mga bagay na ginagawa ko di ba. Help. But I really need to pass!!! I can’t repeat or turn back, dahil nakaschedule na ang buhay ko!!

Monday, January 8

tadahhh

Hay. Ganito pag walang magawa. Kwento na lang ng mga bagay na ewan.
Whew. Unang hirit sa umaga. Gising ng maaga, kunwari papasok pero manunuod lang ng tv dahil syempre guest SILA. Ayon, buo ang Take My Hand. Sumaya ko dun. Asar lang ha pinakita yung gig sked nila, eh nanunuod din nanay ko kumusta naman sana hindi nya mashado nabasa. Hahaha. Tapos Magbalik at syempre Stars. Mabuti na lang walang bastusan hindi kinut nang nakanta sila. Sa sobrang tuwa, hindi na ko pumasok. At mukhang napakasayang umabsent, yun nga lang dapat mapatunayan ko na matalino ako! Hahaha. Leche kasi. Walang biro tinatamad ako. Nakita pa kami ng prof naming a.k.a. Tutti at nagtanong kung bakit di kami pumasok ni Yem sa subject nya. Leche pa rin.

Buong araw nakakaantok. Ganun palagi ang nararamdaman ko pag nasa school, pero dahil nga may mga nagpapatawa, nababawasan ang lungkot ng buhay. SALAMAT, MGA KAIBIGAN. Sana makapagdrowing tayo ng landscape! Formal kaming mga tao kanina dahil nga Monday e business attire day. Hahaha.

p.s
Dapat pala ay maging mabait na ko sa tatay ko, dahil malapit na ulit syang lumipad.
Masaya ko dahil makakaalis na naman ako lagi ng bahay! Yeeeessss! Pero malungkot din dahil mamimiss ko ang panget na yon. Hahaha. Peace.

artista

Huhuhu. Kanina lang napakasaya ko! Anu ba to. Sudden twist of fate?! Biglang bumaliktad ang lahat. Syet kasi. Pwede namang kalimutan na lang ang nakalipas na gabi at magsimula ulit ng panibago. (Hindi ko lang kakalimutan ang saya!) Syet pa rin. Pag naiinis ang tao maraming nasasabing hindi dapat! Paulit-ulit parang sirang cd na ang sarap itapon dahil paulit-ulit talaga. O talagang may sira na ko sa ulo dahil nawawalan na ko ng respeto sa parents ko?! Ayoko mangyari to, pero eto na oh. Ayan sa harapan ko. Alam ko namang mali ako! Pero pwede ba, 18 na ko. (Akala mo alam na lahat sa mundo!) Legal age na! Wala lang legal na magpaumaga ng uwi?! Naiinis ako dahil wala namang mangyayaring MASAMA sakin dahil hindi ko papayagang mangyari yun. Para kong batang nagmamaktol sa twing pagagalitan. Uupo sa isang sulok. Iiyak. Tampururot! Kala nyo kasi nakakatuwa. Totoo nakakasawa. Naghihintay lang ako ng candy.

Wala. Parang ako pa rin ang mali talaga sa huli. Pinipilit ko lang dahil ganto na ang takbo ng isip ko. Magulo. Sobrang gulo. At wag sisihin ang luho dahil ako ang pumili nun. Wag mandamay. Okay, pasensya na sa pagiging BAD! Sa pagsagot achuchuchu. Intindihin nyo na lang ang nagpapasaya sa napakababaw na level ng kasiyahan ko.

Ayon. Gaya ng sabi ko tinatamad ako pumasok. Syettt ito. Tunay na meaning ng katamaran. Lalo na papasok ka para malamang bagsak ang prelim grade. (Ako naman sirang cd, ulit)

Pero ayoko ng lungkot. Puro saya lang. Walang tulugan!!!

Sunday, January 7

happy birthday to us

Oh-oh. Ho-ho.
First gig ko for this year. Ang saya naman kagabi. Happy Birthday to us daw. As always namesmerize na naman ako ng mga lokong yun. Whoohoo. Wala lang masaya talaga ko dun. Hindi naman sila clown pero napapasaya ako. Haha baliw kasi ang sweater at coin purse. At dahil sa Rhozie and Phat(fat) na yan. Tumugtog din ang Chicosci. Naloka ako kay Miggy kinanta ilang lines ang Borrowed Time and Waltz?? Hahaha.

Kahit mapagalitan. Wala ng pakelam. Napakagandang motto sa buhay. Kahit may papansin na nagagalit dyan at sya na rin ang nagsabi na panget sila! Nang matapos ang kasiyahan ay walang takot na naman kami naglakad sa Recto mga 3am yun. Hindi madadala hangga’t hindi nahoholdap? Wag naman. Hahaha. Hinihintay kong mabigyan ako ng award ng parents ko. Pero wala. Deadma naman pala sa kanila ang pag-uwi ng 7am. Dahil dyan next time wag na talaga umuwi. Hahaha.

Ayan may pasok na naman bukas. Monday. Tinatamad ako. Sobraaaa. Absent na lang kaya ulit ako? Gaya nung Friday! Badtrip nga lang kung kelan umabsent nagquiz daw oh. Syet. Leche. Lalo kong tinamad. Ayoko na maghanap ng business attire. Hayyy.

At yan niyayaya nila ko magsimba mamaya. Tinatamad din ba ko?? OO. Ang sama nun. Pag sa iba pamorningan okay sakin, one hour for God hindi ko raw magawa.

Eto lang yan: GRABE ka manghiya ng kunsensya. Hmf.

Friday, January 5

oh so long!!

Wheee. So happy. I love eating more! Mukhang nakabawi naman na ko sa mga sustansyang nawala sakin magmula ng muntik na kong mamatay. Mga mid December siguro yun, kasama rin ang kaarawan kong hindi ko naramdaman at ng kahit sino man. Pamatay na sakit pero go pa rin dahil iisa lang naman ang gamot nun. At yun nga gumaling. Sooo Christmas. Happy rin naman. Bonding with family! Mga tito ko na walang ibang magawa kundi pangaralan ako e matalino naman ako ha. Tsk tsk. At hindi dapat i-demo ang kiss. Hahaha. Peace. But the truth, I love these guys lalo na pag kinukulit ako!! Hahaha.

Before new year. Sa bahay na naman ni Lav ang venue. Ayon kwentuhan lang at food trip! Magpataba tayong lahat ha. Wag lang sobra.

New year. Akala ko magiging sad ang new year’s eve ko. Pupunta dapat ako sa bahay ng mahal na kaibigan kong si Irah, kaso hindi ako pinayagang lumabas dahil putukan na raw. Soooo what?? Hindi naman siguro ako mapuputukan noh! Syet talaga. Badtrip ako nun at nakatulala lang sa TV habang bumibirit ng Stars si Kean. Then tumawag na lang mga friends ko. Phone patch na lang daw kahit pwede namang maglakad para magkita-kita. Whooohooo. Ang saya makipag-usap sa lasing dahil kinabukasan di nya na lam mga sinabi nya.

Classes Resumed. Napakasaya kong makita ang mga panget na kaklase ko. Hahaha. Peace friends. Wala namang bago sa kanila. Ganun pa rin. Nakatawa rin ako after a long time.

Prelim Grades. Isang malutong na syeeeeet para dito. *&^#* naman yan oh! Yan ba ang katumbas ng mga kasiyahan, gastos at pagpupuyat! Hindi pwede yan! Babawi ako. Someday. Whooohooo. Bagsak na nga proud pa! kakaibang feeling naman to!

Para sa leche flan. Wehhh. Pinanganak ka ba para lokohin ako?? Syet naman oh. Magtigil ka na dahil naiinis ako pag sinasabi mo ang mga hindi dapat. Ayusin ang buhay. 2007 na kaya!