Wednesday, March 29

ang mahiwagang bukol



grabe na ito. anung gagawin mo kung sayo nangyari to? anung dapat gawin sa mga pangyayaring ganito?

*una sa lahat, iwasan ang pagtawa. pwedeng nakakatawa ang nangyari o ang sanhi ng pagkabukol ng isang tao. gaya ng nasa larawan, ito ay nangyari sa totoong buhay at hindi sa bitoy's funniest videos. malas nga lang hindi nakuhaan ng video. tsk tsk. kung sakali may premyo ka na, pwede nang tumawa.

**pangalawa, tanungin ang nauntog o nahulog kung alam nya ang pangalan nya. o kaya itanong mo kung sino sya, o kung anong pangalan mo (ng kausap) sa ganitong paraan malalaman mo kung nasa katinuan ba sya o hindi

***pangatlo, huwag ng tumanga at kumuha ka na ng yelo. ibalot ng towel o kung sosyal ka naman why not ice bag. ipatong sa bukol na namuo dahil laos na ang paglagay ng piso sa mga bukol (sinasabing magiging kasing liit at kashape daw ng bukol ang piso) gawin ito hanggang mgangalay ka na o kaya pag nawala na ang maga.

****at panghuli, alam mo na ngayon! wag tatanga tanga! maging maingat sa pagkilos dahil mahal ang gamot at pampaospital, pero syempre mas mahal ang buhay. at tandaan pati mga taong nsa paligid mo mapapagalitan pag may nangyari sayo.